IPINALIWANAG ni Senator Robinhood Padilla sa panayam ng SMNI News ang kaniyang logic kung bakit mas isinusulong nito ang constituent assembly (con-ass) tungo sa Charter change.
Ayon sa senador, sa con-ass, ilang probisyon lang ang babaguhin sa Saligang Batas.
Tama naman ang Constitutional convention o con-con ani Padilla kung ang isinusulong ay ang pagbabago sa buong Saligang Batas ng Pilipinas.
Kaugnay nito, ang Charter change na tinutukoy ni Padilla ay ang pagbabago lang sa economic provisions at wala ng iba.