Sen. Pia Cayetano, sisingilin ang CHED sa mali na na direksyon ng F2F Classes

Sen. Pia Cayetano, sisingilin ang CHED sa mali na na direksyon ng F2F Classes

TINIYAK ni Senador Pia Cayetano na tuluyang maipatutupad ang 100 porsyentong face-to-face classes lalo na sa kolehiyo.

Asahan na sa pagdinig bukas ng Senado para sa 2023 budget ng Commission on Higher Education (CHED) ay sisingilin ni Sen. Pia Cayetano ang ahensya sa pagpapatupad ng face-to-face classes.

“It is a no brainer naman, na when there is zero access to school then obviously technology helps because from zero ay may access ka naman online, but if is a choice between face-to-face and online winner parati ang face to face. Study na yan,” pahayag ni Cayetano.

Sa isang press conference sa Senado sinabi ng senadora na hindi pa malinaw para sa kanya ang direksyon ng state universities and colleges (SUCs) sa face-to-face.

“Pagdating sa CHED and State Universities like UP, I was quite surprised and shocked that there seems to be no clear direction of return of full face to face. Let me repeat that phrase. I was shocked that there seems to be no clear direction of return to face-to-face,” pahayag ni Cayetano.

May nakarating na impormasyon kay Sen. Pia na mayroong face-to-face classes pero hindi naman 100%  naipatutupad.

Matatandan na noong September 28 ay nakatikim ng sermon ang limang state university and colleges mula sa senadora matapos niyang makumpirma na hindi pa nagbabalik sa 100% face-to-face classes ang mga ito.

Gusto makita ng senadora na magsumikap ang mga SUCs na ipatupad ang face-to-face lalo na’t hindi naman kontra dito ang Department of Health (DOH) at ang mga magulang.

“If you tell me that there are parents that are hesitant to send their kids kasi kinakabahan, I believe you. Mayroon namang parents na ganyan ang feeling pero di ba job natin to tell them na you cannot sacrifice the education of your child. It’s like a 100 years ago where were parents who said that they will not send their children to school kasi kailangan nila ang mga bata sa farms,” dagdag pa ni Cayetano.

Batay sa pinakahuling report, naglabas na ng direktiba ang CHED para sa full face-to-face classes.

Naglabas naman ng manifestation ang Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) na sumusuporta dito kung saan nasa 114 na miyembro ang lumagda.

Sa huli ay nilinaw ni Cayetano na wala siyang problema sa paggamit ng teknolohiya para sa pag-aaral pero dapat itong ikonsidera dahil madalas na ang mga mahihirap ang wala nito.

 

Follow SMNI News on Twitter