Sen. Poe, pinasisilip ang LGUs na mabagal magbibigay ng permit sa telecom companies

Sen. Poe, pinasisilip ang LGUs na mabagal magbibigay ng permit sa telecom companies

WoodProfit

UMAASA si Senador Grace Poe na mababantaan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga regulator at local government units (LGUs) na huwag ipitin ang pagbibigay ng permit sa telecom companies.

 

Sinabi ng senadora na kailangang malaman din ni Pangulong Duterte ang problemang ito.

 

“Ang totoo kasi noon, mabagal ang pag-issue ng permits din. Ikumpara natin ang ating sarili. Dito sa ating bansa, mga 20,000 cell towers lang ang mayroon tayo. Samantalang sa Indonesia nasa 90,000. Kaya makikita mo na malayo talaga ang agwat,” pahayag ni Poe.

 

Dapat din aniyang sisihin ang National Telecommunications Commission (NTC) na namamahala sa mga telco kaugnay ng umano’y  palyadong internet service sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Poe, dalawang grupo talaga ang kailangang magpursigi, ito ang pribadong sektor na dapat magtaguyod ng serbisyo at ang  pampublikong sektor na dapat matugunan ang Anti-Red Tape Act

 

Matatandaang noong ikalimang SONA ay binigyan ng ultimatum ni Duterte ang mga telecommunication provider para mapaganda ang kanilang serbisyo dahil kung hindi ay ipasasara niya ang mga ito.

 

Pero giit ni Poe, na chairman ng Senate Committee on Public Services, maraming taon nang problema ang internet sa Pilipinas subalit hindi pa rin ito nagawang remedyuhan ng NTC.

PHOTO JOB

Alam din aniya ng NTC ang matagal nang reklamo ng telcos na pahirapang pagpapatayo ng cell sites dahil sa dami ng permits at alegasyon ng pangingikil.

 

Umaasa rin si Poe na lumantad na  ang mga whistleblower ng telecom companies at sabihin nila sa  kung sino ba sa gobyerno ang umiipit sa kanila pagdating sa proseso ng pagpapatayo ng mga cell sites.

 

“Sana may magsabi at mag-explain sa Presidente na marami sa ating gobyernong regulators ang hindi gumagawa nang tamang trabaho, ang corrupt, ang hindi nagbibigay ng permit on time,” aniya pa.

 

ProVen

Banat ni Pangulong Duterte sa telcos, bugso ng puso ng presidente —Poe

 

Binigyang diin naman ni Senator Poe na sa bugso na rin ng puso ni Pangulong Duterte ang pagbanat nito sa mga telco dahil lahat naman ay may sariling opinyon at reklamo sa serbisyo.

 

Giit ng senadora, kung iisipin sa panahon ngayon, talagang napakahalaga ng internet connection, pati ng cell connection dahil marami nang hindi makapasok nang pisikal sa trabaho at hindi rin pwedeng pumasok sa mga paaralan.

 

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published.