PINATUTUGIS ang mga scammer ni Senator Grace Poe.
Pinasusubukan ni Sen. Grace Poe sa mga awtoridad ang tapang ng subscriber identity module (SIM) Registration Law sa pamamagitan ng pag-aresto at pagpataw ng parusa sa mga text scammer.
Sabi ni Poe, maganda ang probisyon ng batas na ito na kailangang lang ng epektibong paggamit ng mga concerned agency, law enforcer at telecommunications companies (telcos) sa halip na itigil ang implementasyon nito.
Nauna nang nagsagawa ng mga pagsalakay ang mga pulis sa cybercrime hubs kung saan natuklasan ang daan-daang pre-registered SIM cards.
Ngayon ay kinuwestiyon ni Poe kung ano na ang nangyari doon sa mga nahulihan ng may fake na SIM card?
Kaugnay rito, umaasa si Poe na isasama ang live selfie bilang bahagi ng verification process sa SIM registration.