Sen. Revilla, pinalagan ang umano’y pagkakahuli sa kaniya sa EDSA bus lane

Sen. Revilla, pinalagan ang umano’y pagkakahuli sa kaniya sa EDSA bus lane

PINALAGAN ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ang balita na huli ang kaniyang convoy sa EDSA carousel busway sa bahagi ng Mandaluyong City.

Itinanggi ni Revilla ang umano’y pagharang sa kaniya sa busway at tinawag pa itong malisyoso.

Paliwanag ng senador wala sa kaniyang ruta ang EDSA-Mandaluyong dahil mula Cavite papuntang Senado ang madalas niya na biyahe.

Ipinunto rin ng senador na kung totoo mang may nasitang gumagamit ng kaniyang pangalan na lumabag sa batas trapiko ay dapat ay agad na itong tiniketan.

Sinabi ni Revilla na hihingin niya ang paliwanag ng MMDA sa insidente sabay banta na i-rerecall ito sa budget hearing sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter