Sen. Robin, iginiit na mas kailangan ang ROTC kaysa keyboard warrior para sa  pagtatanggol sa bayan

Sen. Robin, iginiit na mas kailangan ang ROTC kaysa keyboard warrior para sa  pagtatanggol sa bayan

NANINIWALA si Senator Robin Padilla na higit pa sa tinatawag na keyboard warrior ay kailangan ng bansa ang disiplina at kahandaan na nakukuha sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para labanan ang mga dayuhang mananakop.

Ito ang naging mensahe ng senador sa pagtatapos ng Visayas Regional Qualifying Leg ng Philippine ROTC Games 2023 sa Iloilo City.

Ayon kay Padilla, maaaring madamay ang Pilipinas sa tensiyon sa Asya at ibang bahagi ng mundo, kung kaya’t kailangang handa at organisado ang mamamayan, lalo na ang mga kabataan.

Ngunit ipinunto niya na bagama’t handa ang kapitbahay natin katulad ng South Korea at Singapore na may mandatory military service sa mga mamamayan, wala nito sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS on Twitter