Sen Robin. ipinagtanggol si dating Pangulong Duterte kaugnay sa COVID Fund Transfer

Sen Robin. ipinagtanggol si dating Pangulong Duterte kaugnay sa COVID Fund Transfer

WALANG nilabag na batas si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paglipat ng bilyun-bilyong piso sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para labanan ang COVID, ayon kay Sen. Robin C. Padilla.

Ani Padilla, ito ay base sa Seksyon 4 ng Bayanihan Law 1 (RA 11469) na nagbubukod sa mga pagbili ng personal protective equipment (PPEs) mula sa procurement law at iba pang nauugnay na batas at alinsunod sa Government Procurement Policy Board Resolution na may petsang Abril 6, 2020.

Dagdag niya, binigyan ng emergency powers si Duterte noon para labanan ang pandemya at ang epekto nito.

Noong nakaraang linggo, ibinunyag ni dating Health Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon sa Kamara na pinalipat niya ang P47.-B sa PS-DBM para bumili ng COVID supplies, base sa utos ni noo’y Pangulong Duterte.

Iginiit ni Padilla na dapat ay walang batuhan ng putik sa isyu na ito dahil ang Pilipinas, tulad ng ibang pamahalaan noong panahong iyon, ay kailangang gumastos para talunin ang pandemya.

Aniya na tulad ng ibang mga bansa tunay na sumuka ng salapi ang lahat ng gobyerno, kung saan nangutang pa para mapagtagumpayan ang pandemic ng COVID.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble