ISINUSULONG ni Senator Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagsalin sa Filipino ng panukalang batas at ang kaugnay ritong dokumento.
Ito’y para tiyaking maunawaan ng pangkaraniwang Pilipino ang pinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF) Act.
Ipinunto ni Padilla na sa Sec. 6, article 16 ng 1987 Constitution, ang pamahalaan ay gagawa ng hakbang para gamitin ang Filipino bilang ‘Medium of Official Communication and as Language of Instruction in the Educational System’.
Ang suhestiyon ni Padilla ay tinanggap naman ni Sen. Mark Villar, ang principal author ng MIF.