NAIS ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na suriin at mapabuti ang information drive ng pamahalaan para malaman ng publiko ang paghahanda at pagtugon nito sa krisis na dulot ng El Niño.
Ihinain ni Padilla nitong Lunes ang Senate Resolution 987, para gawin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media – kung saan siya ang tagapangulo – ang “inquiry in aid of legislation.”
“Conducting an information and awareness campaign is necessary to ensure that the public is well-equipped with the necessary knowledge to undertake precautionary measures on the impact of this weather condition,” ani Padilla sa kaniyang resolusyon.
“Filipinos must be informed of up-to-date and necessary preparations and responses of the national and local government, as the country has been taking the brunt of dangerous levels of heat index, mainly attributed to the El Niño phenomenon,” dagdag niya.
Ani Padilla, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan para gumawa ng “whole-of-government approach” para tugunan ang epekto ng El Niño at ang posibleng epekto ng La Niña.
Dagdag niya, bukod sa pinsala sa agrikultura, may banta ang El Niño sa mga mahalagang sektor tulad ng kapaligiran, edukasyon, kalusugan, at pampublikong kaligtasan.
Tinukoy rin niya ang datos sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagdulot ang El Niño ng drought sa ‘di bababa sa 37 na lugar, dry spell sa 22 lugar, at dry conditions sa 12 lugar sa bansa – at nagdulot ng ‘di bababa sa P1.23-B na pinsala sa agrikultura.
“It cannot be denied that implementing a comprehensive public information drive is necessary to apprise the affected population of the government’s projects, programs and activities to help them cope with the adverse effects of this crisis,” ani Padilla.