PERSONAL na nakisalamuha si Senador Robin Padilla sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Frankfurt, Germany, upang iparating ang kanyang suporta at makinig sa kanilang mga hinaing.
Pinatunayan ni Sen. Padilla ang kanyang dedikasyon sa pagtulong at pagpapabuti ng kalagayan ng mga OFWs, na siyang mga bagong bayani ng bansa.