SUMAMA si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Suroy Suroy Sugbo (Maglibot sa Cebu), isang Southern Heritage Trail na inilunsad ng Cebu Province sa pamumuno ni Gov. Gwen Garcia upang palakasin ang dagsa ng mga dayuhan at ekonomiya ng turismo sa host na mga bayan.
Araw ng Biyernes, nilibot ni Tolentino ang walong bayan sa Cebu: Oslob, Santander, Samboan, Ginatilan, Malabuyoc, Alegria, Badian, at Moalboal.
Pinuri ni Sen. Tol ang iba’t ibang atraksiyon ng Cebu Province tulad ng puting mga baybayin, diving spots, butanding, mga bundok, mga talon, at mga bahay, pagkain, at ang hospitality ng mga lokal na tao.
“This is what Suroy Suroy sa Sugbo is all about— you tour the place, we live in the present times, and look forward and envision a future on how Cebu should be,” pahayag ni Sen. Francis Tolentino.
Dagdag pa ni Tolentino,
“Sana ay matularan ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.”
Pagtapos ng buong ikalawang araw ng paglalakbay, itinuturing ni Sen. Tolentino ang Suroy Suroy Sugbo bilang aktibong turismo na ipinapakita sa lalawigan ng Cebu.