IKINATUWA ni Sen. Raffy Tulfo na sinertipikahan na bilang isang urgent bill ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang panukalang batas na naglalayong lumikha ng Magna Carta para sa mga Filipino Seafarers o Senate Bill (SB) No. 2221.
Sa isang liham kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pinamamadali na ni Pangulong Marcos sa Kongreso ang pagpasa sa Magna Carta of Filipino Seafarers.
Ginawang urgent bill ni Pangulong Marcos ang panukalang batas kasunod na rin ng banta ng European Union na ipagbabawal ang pagkuha ng mga marinong Filipino hangga’t hindi sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pamantayan.
Dagdag ni Sen. Tulfo, matapos ang unang stage ng period of amendment at ang suportang ito mula mismo kay Pangulong Marcos, mas tiwala siya na mapapabilis ang pagsasabatas ng Magna Carta of Filipino Seafarers Bill.