Sen. Villanueva, hinikayat ang gobyerno na bayaran ang mga guro ng tamang sahod

Sen. Villanueva, hinikayat ang gobyerno na bayaran ang mga guro ng tamang sahod

BATID ni Senador Joel Villanueva na isang malaking hamon para sa mga guro ang pagbabalik ng face to face classes.

Aniya, dapat mas tutukan ang pagpabuti ng kondisyon ng mga guro.

Dagdag pa ni Villanueva, marami sa mga guro ang ginagastos ang kanilang sariling pera para bumili ng mga classroom-related expenses at mabigyan ng tulong ang mga nangangailangan na estudyante.

Saad pa ni Villanueva, nakasaad sa inihain niyang Senate Bill No. 564, gusto nitong bigyan ng karagdagang grocery at transportation allowance ang mga guro at ng non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan, state universities and colleges at technical vocational institutions.

Follow SMNI NEWS in Twitter