Sen. Villanueva, nais taasan ang pondo ng OVP sa 2025

Sen. Villanueva, nais taasan ang pondo ng OVP sa 2025

NAIS ni Sen. Joel Villanueva na madagdagan ang P733.2M na budget ng Office of the Vice President (OVP) sa 2025.

Kahit P100M na umento ay katanggap-tanggap na.

Ayon sa senador, ‘deserve’ ng opisina na magkaroon ng malaking pondo kahit sino pa ang nakaupo dito.

Isa rin sa rason sa panawagan ni Sen. Villanueva ang hindi matanggalan ng trabaho ang nasa 200 empleyado ng OVP sakaling hindi taasan ang pondo ng opisina para sa 2025.

Matatandaan na mula sa ipinanukalang P1.3B ng OVP ay mahigit kalahati ang tinapyas ng Kamara dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble