Sen. Villanueva, pinuri ang pagpasa ng mga panukala para sa job creation at student welfare

Sen. Villanueva, pinuri ang pagpasa ng mga panukala para sa job creation at student welfare

PINURI ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng mga panukalang batas sa Senado na magsusulong ng job creation o ang paglikha ng trabaho at student welfare o ang kapakanan ng mga estudyante.

Sa bilang na 22 affirmative votes, inaprubahan ng Upper Chamber ang Senate Bill No. 1594 o ang “One Town, One Product (OTOP) Philippines Act of 2023” na inisponsoran ni Senator Mark Villar.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, 99.58% ng lahat ng business enterprises sa bansa ay kabilang sa Micro, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs), na nagbigay ng 5.46 milyong trabaho noong taong 2021.

Sinabi rin ng Majority Leader na ang pagiging institusyunal o permanente  ng programa ay magbibigay ng mas malaking suporta sa mga MSMEs at makatutulong din sa domestic trade o lokal na kalakalan, eksportasyon o ang pagluluwas ng mga kalakal sa ibang bansa, paglikha ng trabaho, at gayundin ang pagpapalakas ng sektor ng turismo.

Maliban sa mga nabanggit, layunin din ng panukala na magbigay ng assistance packages para sa mga MSMEs tulad ng product development, capacity building, standards and market compliance, market access and promotion, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter