Sen. Villar nanawagan sa hog producers na magbigay ng magandang kalidad ng baboy

Sen. Villar nanawagan sa hog producers na magbigay ng magandang kalidad ng baboy

IKINATUWA ni Senadora Cynthia Villar ang pagtangkilik ng mga restaurant at hotel sa lokal na karneng baboy.

Dahil dito ay nanawagan sya sa mga hog producers na magbigay sa mga mamimili ng magandang kalidad ng baboy.

Sa pagdiriwang ng National Pig Day kamakailan nitong March 1 sinabi ni Villar na mananatiling paborito ng mga Pinoy ang karneng baboy kung kaya’t kailangan maganda ang kalidad nito habang napapanatili ang abot kaya na presyo.

“The love for pork of our kababayans will remain so we need to find a good source of juicy, tender pork with the ideal meat-to-fat ratio at affordable price,’’ sabi ni Villar  sa pagbubukas ng National Federation of Hog Farmers – National Pig Day Celebration  sa Quezon City nitong March 1 at matatapos sa March 5.

Ikinuwento ng chairperson ng Senate committee on agriculture na ang mga Pilipino ay kumokonsumo ng 15 kg. ng karneng baboy, 11.6 kg. ng manok at 3 kg. ng karne ng baka sa isang taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, noong Setyembre 2023, ang nangungunang limang rehiyon na may pinakamataas na volume ng produksyon ng hog sa live weight ay ang Calabarzon, Central Luzon, Northern Mindanao, Central Visayas, Davao Region at Zamboanga Peninsula.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter