Sen. Villar, tiniyak ang P80-B pondo para sa coconut farmers sa loob ng 5 taon

Sen. Villar, tiniyak ang P80-B pondo para sa coconut farmers sa loob ng 5 taon

NANAWAGAN si Senator Cynthia A. Villar na sama-sama tayong magtrabaho upang mapabuti ang buhay ng coconut farmers at coconut industry.

Sa kaniyang pananalita sa isang planning workshop sa Quezon City, binanggit ni Villar ang Republic Act No. 11524, o ang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act” na nilagdaan ni dating President Rodrigo Roa Duterte noong February 26, 2021, at naging epektibo noong March 13, 2021.

Sa ilalim nito, binuo ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund (CFITF) upang siguruhin ang P80 billion pondo sa 5 taon.

Makikinabang nito ang mga coconut farmers at ang coconut industry sa pamamagitan ng modernization at industriyalisasyon.

Inaasahan din ani Villar na sa pamamagitan ng nasabing pondo ay marehabilitate ang coconut industry ng bansa sa loob ng 50 taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter