Sen. Win Gatchalian sa BIR: Higpitan pa ang pag-iisyu ng TIN IDs

Sen. Win Gatchalian sa BIR: Higpitan pa ang pag-iisyu ng TIN IDs

MAS pinahihigpitan ni Sen. Win Gatchalian sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang  pag-iisyu ng tax identification number (TIN) IDs kasunod ng pagkakatuklas ng mga naturang ID sa opisina mismo ng isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang mga iniisyu na TIN ID ng BIR, ani Gatchalian, ay walang mga larawan na nagpapahintulot sa mga naturang ID na magbigay ng maayos na pagkakakilanlan sa mga indibidwal na sangkot sa mga krimen.

Giit ni Gatchalian, panahon na para palitan ang mga lumang ID, binibigyang-diin ng mambabatas na kailangan nang repasuhin ng BIR ang mga proseso ng pagbibigay ng ID nito, kasama ang mga updated na security measures at komprehensibong identification features.

Bukod sa mga TIN ID, narekober din ng mga awtoridad ang mga PhilHealth ID, Certificates of Alien Registration, Alien Employment Permits, at police clearances sa Smart Web Tech na may provisional license na galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Follow SMNI NEWS on Twitter