Sen. Zubiri, hindi pabor na magkaroon ng impeachment trial vs VP Sara sa Senado

Sen. Zubiri, hindi pabor na magkaroon ng impeachment trial vs VP Sara sa Senado

HINDI rin pabor si Sen. Migz Zubiri sakaling magkaroon ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.

Gaya aniya ng kaniyang ibang kasamahang senador, ang pagkakaroon ng impeachment proceedings ay magiging sanhi lang ng pagkakahati-hati ng mga Pilipino.

Nauna nang sinabi ni Sen. JV Ejercito na ang inihaing impeachment laban sa pangalawang pangulo ay magiging sanhi upang mahadlangan ang pag-unlad ng bansa.

Sa panig pa ni Sen. Bato Dela Rosa, halata aniya ang motibo kung bakit sinisingle-out ang OVP.

Matatandaang sinabihan na ni Senate President Chiz Escudero ang mga senador na huwag maglabas ng kanilang komento hinggil sa isyu subalit hindi nagpapigil ang ilan sa kanila na sabihin ang kanilang posisyon kaugnay sa impeachment case laban kay VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter