Senado, aprubado na sa huling pagbasa ng panukalang pondo na P5.268-T para sa 2023

Senado, aprubado na sa huling pagbasa ng panukalang pondo na P5.268-T para sa 2023

INAPRUBAHAN na ng Senado sa ikatlo at huling reading ng General Appropriations Bill (GAB) na P5.268-T para sa susunod na taon.

Nasa kabuuang 21 senador naman ang pumabor at sumang-ayon sa nasabing panukalang pondo at walang tumutol.

Naunang na-certify bilang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala at pinapayagan ang Senado na aprubahan ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa parehong araw.

Ang pag-apruba sa bersiyon nito sa pambansang pondo ay isang linggo makaraang aprubahan ng Kamara ang iminungkahing badyet para sa lahat ng ahensya ng gobyerno matapos ang kanilang mga debate at interpellation.

Sa isang pahayag naman, inihayag ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na magsisimula sa Biyernes ang Bicameral Conference Committee meetings upang pagtugmain ang magkasalungat na mga probisyon ng House of Representatives at ng Senado.

Prayoridad sa 2023 proposed budget ang edukasyon, imprastruktura, kalusugan, agrikultura at social protection.

 

Follow SMNI News on Twitter