Senado, hinimok na tignan ang hindi magandang kondisyon ng NCHM

Senado, hinimok na tignan ang hindi magandang kondisyon ng NCHM

HINIMOK ang Senado na magsagawa ng pag-aaral sa hindi magandang kondisyon ng mga pasilidad sa National Center for Mental Health (NCHM) sa Mandaluyong City.

Dahil sa mga ulat patungkol sa nakababahalang kalagayan ng nangungunang Mental Health Institution ng bansa, nagpasa si Senator Raffy Tulfo ng Senate Resolution 562.

Layon ng nasabing resolusyon na imbestigahan ng Senado at alamin kung ano ang ugat ng problema sa mga pasilidad at operasyon ng NHCM.

Ani Tulfo, mahalaga na mapag-aralan ang kondisyon ng mga pasilidad sa NCHMI upang masiguro na nakatatanggap ang mga pasyente ng wastong pag-aalaga, treatment, at suporta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter