Senado, hybrid na binuksan ang 2nd regular session ng 18th Congress

Senado, hybrid na binuksan ang 2nd regular session ng 18th Congress

WoodProfit

DAHIL sa banta ng pandemya ay hybrid na binuksan ng mga mambabatas ang 2nd regular session ng 18th Congress kanina sa Senado.

 

Eksaktong alas dyes syete ito binuksan kasabay ng pagpokpok ng malyete ni Senate President Tito Sotto.

 

Sa dalawampu’t apat na senador, anim ang virtually present sa session.

 

Kabilang dito si Senate Minority Leader Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Aquilino Pimentel, Imee Marcos, Cynthia Villar, at si Manny Paquiao na naantala ang flight mula GenSan.

gamebank

 

Physically present naman ang labing pitong senador, habang absent si Sen. Leila de Lima na kasalukuyang naka-detain sa Kampo Crame.

 

Sa session hall at maging sa lounge area ay kapansin-pansin ang acrylic divider sa  mga mesa upang maipatupad  ang social distancing at health protocols.

 

Saglit lang din na tinanggal ng mga senador ang kanilang facemask para sa kanilang photo ops.

 

Para naman sa seguridad, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Senate building ng mga wala sa listahan.

 

Ang tatlong entry points papuntang Senate Compound sa GSIS Building ay bantay sarado din ng mga pulis, kung saan nililista din nila ang lahat ng mga nakakapasok para sa contact tracing.

 

Bago ang session ay dumaan naman ng rapid test at swab test ang mga dumalo.

 

Kapansin-pansin naman ang mga payak na kasuotan ng mga senador, malayo sa nakaugalian sa mga nagdaan taon na pabonggahan ng mga damit.

 

Sa kanyang speech, umaasa naman si Senate President Sotto na nagkakaisang malalampasan ng nga Pilipino ang COVID-19 pandemic.

 

“For what good we will be, if we survive all this but lose our soul. It is my hope that senate help this nation emerge from the chaos of this pandemic with its mind and heart intact,” pahayag ni Sotto.

 

Samantala, inihayag naman ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri  na sa pagbabalik ng session bukas ay agad naman nilang ipapasa ang Bayanihan to Recover as One Act na may layong bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na labanan ang COVID-19.

 

Maituturing na mabilis ang pagbubukas ng 2nd regular session sa Senado ngayong araw, kung saan tinatayang na ito lumagpas ng tatlumpung minuto.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.