Senado, inilabas na ang listahan ng priority measures sa muling pagbubukas ng session

Senado, inilabas na ang listahan ng priority measures sa muling pagbubukas ng session

WoodProfit

MAGBABALIK session na ang Senado mamayang alas diyes para trabahuhin  ang mga priority bill nito para sa Second Regular Session ng 18th Congress.

 

Sa pag-resume ng session ay inaasahan na ipapasa sa Third and Final Reading ang The Bayanihan to Recover as One Act na naipasa sa second reading bago mag-adjourn ang Senado noong nakaraang buwan.

 

Ang panukala ay naglalayong bigyan ang Pangulo ng kapangyarihan para sa pamamahala ng  COVID response ng bansa, nakapaloob din ang paggawad ng P140 billion standby fund sa Executive Department.

gamebank

Paryoridad ng Senado na talakayin ang dalawang measures na nanggaling sa Department of Finance.

 

Ito ang Financial Institution Strategic Transfer (FIST) at ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE).

 

Inaasahan din na ipapasa ang repackaged ng Corporate Recovert And Tax Incentives for Enterprises Act na dating Corporate Income Tax And Incentives Rationalization Act o Citira.

 

Ito ay para matulungang makarekober ang mga negosyo lalo ang mga micro, small at medium enterprises na lubhang napilayan dahil sa pandemya.

 

Ang iba pang mga priority measures na itinutulak ng Senate President ay ang Medical Scholarship Act, Presidential Drug Enforcement Authority Act, Hybrid Election Act, Anti-False Content Act at ang 14th Month Pay law.

 

Tatalakayin din ang Expanded Solo Parents Act, the Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, the Reserve Officers’ Training Corps at, ang panukala para sa pagtatayo ng ng Department of Disaster Resilience.

 

Paryoridad din ang mendments para sa Public Service Act at Agrarian or Agriculture Credit Cooperative Condonation Act.

 

Magiging top agenda din ng Senado sa 2nd regular session ng 18th congress ay ang pagsasagawa ng probe o imbestigasyon hinggil sa nagpapatuloy na kurapsyon sa PhilHealth.

 

Ayon kay Senator Ping Lacson aabot sa isang bilyong piso ang bagong kwestyonableng transaksyon sa loob ng ahensya.

 

Isa pang itutulak ng Senado ay paggawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng mga high profile inmate sa New Bilibid Prison.

 

Matatandaan naman na sa 1st Regular Session ng 18th Congress ay nasa isang libo mahigit ang mga panukala na nai-file ng mga senador at sampu dito ang naibatas tulad ng Bayanihan to Heal As One Act,  Anti Terrorism Act, Malasakit Centers Act, Excise Tax on Alcohol Products, Salary Standardization of 2019, National Academy Sports Act, Postponement of The Brgy/Sk Elections, GMRC and Values Education Act, Bicol Medical Center, National Day of Remembrance for Road Crash Victims.

 

[su_slider source=”media: 4583,4584″ limit=”15″ link=”post” width=”1600″ height=”860″ pages=”no” mousewheel=”no” autoplay=”3000″]

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.