Senado, may 48 na bagong AFP Reservists

Senado, may 48 na bagong AFP Reservists

SA isang seremonya na ginanap sa Philippine Navy Headquarters araw ng Martes ay nasa 40 empleyado ng Senado at walong indibidwal ang nagtapos sa Basic Citizen Military Course (BCMC).

Ito ay matapos ang matagumpay nilang pagpasa sa 20 araw na trainings na pinangasiwaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ngayon nga’y opisyal na silang matatawag na Army Reservists.

“Training ground po sya sa Ternate Cavite. for 3 days andun kami. Tinuruan kami on how to survive without anything. Ang food lang namin is biscuits. More on sya on akyat ng bundok. Wala kaming ligo,” ayon kay Christine Joy Borbon, Army reservist.

Sa kanilang graduation ay mismomg si Sen. Robin Padilla ang nanguna sa pagkakabit ng kanilang ranggo.

Si Padilla, na may ranggong Lieutenant Colonel.

Bilang reservist siya ang nangunguna sa pagsusulong ng BCMC sa Senado.

Mga bagong Army Reservist, hinikayat na maging mabuting impluwensiya sa mga kabataan

 “First and foremost, initiative po ito ni Senador Robin Padilla where I work in his office. Makikita mo talaga ‘yung passion niya, ‘yung drive niya para sa aming lahat to understand the importance of serving our country or the government. When you work with Senator Padilla, talagang nakakahawa ang puso niya,” ayon naman kay Nadia Montenegro, AFP Reservist.

Sa kaniyang speech ay hinikayat ni Padilla ang mga reservist na magsilbing inspirasyon at simbolo para mahikayat ang mga kabataan na mag-ambag sa seguridad ng bansa.

“Kaya po inaasahan natin na kayong lahat ‘yung nakuha po ninyong ranggo, bandila ng Pilipinas ay isang simbolo po ‘yan na makumbinse natin ‘yung mga kabataan natin na makumbinse rin sila at conquerin nila ang sarili nila. Sapagkat ang tao na conquered niya ang sarili niya. Kahit sino pa ‘yan, kahit anong lahi pa ‘yan, kahit ano pa ang tumpat sayo, ‘ di ka nila ma co-conquer dahil ikaw ang master ng sarili mo at ‘di ka magiging servant,” dagdag ni Padilla.

Kaugnay rito ay ikinatuwa naman ng AFP ang patuloy na pagdami ng mga nais maging reservist.

Malaking bagay aniya na nakatulong sa pagpukaw ng spirit of patriotism ang lumalalang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“Nagprograma po kami for 2024 ng mas maraming training. Kasi siguro sa awareness ng mga Pilipino sa pangyayari marami na po ang naantig ang kanilang patriotism. Marami po ang nagvo-volunteer,” saad ni MGen. Joseph Ferrous Cuison (PN), Commander, Naval Reserve Command.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter