Senado, nagkaisa na “hindi urgent” ang impeachment kay VP Sara—Imee Marcos

Senado, nagkaisa na “hindi urgent” ang impeachment kay VP Sara—Imee Marcos

TINIYAK ni Senadora Imee Marcos na walang mangyayaring impeachment trial laban kay VP Sara Duterte habang naka-break ang session ng Kongreso.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na sa katunayan ang impeachment trial ay hindi itinuturing  isang urgent issue ng kaniyang mga kasamahan sa Senado.

Kasabay nito ay kinumpirma ng senadora na nagkaisa ang lahat ng mga senador na sa Hulyo na lamang talakayin ang isyu.

‘’Kami palagay namin hindi naman sya urgent kasi nag-antay sila ng dalawang taon tapos nung napila na ay dalawang buwan naman, siguro hindi urgent, saka sa Hulyo na lang,’’ saad ni Sen. Imee Marcos.

Pasaring pa ng senadora na dalawang taon na nilang naririnig ang planong impeachment at dalawang buwan na nakatengga sa Kamara kaya’t nagtataka siya kung bakit last minute itong ipinadala sa Senado.

Giit pa niya na kung dalawang buwan, itinengga sa Kamara ang reklamo ay malinaw na hindi ito isang usapin na nangangailangan ng agarang atensiyon.

‘’Magkasabay kami ng buong Senado, pinagkaisahan na ipa-Hulyo na lamang kasi ‘yun na nga dalawang taon na naming naririnig ‘yan. Dalawang taon nang nakatengga jan sa Kongreso, bakit naman last minute na pinadala sa amin? Bakit naman ganun?’’ ani Imee.

Bago si Imee ay una nang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, Majority Floor Leader Sen. Francis Tolentino, at Joel Villanueva na sa Hulyo pa o sa ilalim na ng 20th Congress sisimulan ang proper trial sa Article of Impeachment laban kay VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble