Senado ng Amerika, naisakamay ng Democrats sa pagkapanalo ng kandidato nito sa Georgia

Senado ng Amerika, naisakamay ng Democrats sa pagkapanalo ng kandidato nito sa Georgia

PINAGDIRIWANG ng Democrats ngayon ang pagkapanalo nito sa Georgia na nagbigay sa kanila ng 51 pwesto sa Senado sa susunod na mga taon.

Ang resultang ito ay magbibigay kapangyarihan sa partido na pahintulutan ang mga nominado ni Pangulong Joe Biden gayun din ang mga panukalang batas ng pangulo.

Ang pagkapanalo ni Senator Raphael Warnock ay nagbibigay sa mga Demokratiko ng 51 pwesto sa Senado samantalang ang mga Republican naman ay may 49.

Dahil mas lamang ang Democrats, magbibigay daan ito sa isang malaking tagumpay at mas kontroladong pangangatawan sa Kamara.

Ang pagkapanalong ito ng mga Demokratiko ay kokontrol sa Senado na magbibigay sa kanila ng mas madaling pag-access upang maipasa ang mga panukalang batas, tiyak na kontrol ng komite, at tutulong na maiwasan ang mga negosasyon sa pagbabahagi ng kapangyarihan.

Noong 2020, nagkasundo si Senate Democrat Leader Chuck Schumer at Minority Leader Mitch Mcconnell sa isang kasunduan na magbahagi ng kapangyarihan sa Kamara pagkatapos ang kumpirmasyon ng mga nominado sa gabinete ni Biden.

Ang mga Demokratiko ay mas lamang ngayon, kahit pa mawalan ito ng isang boto sa kanilang partido, at kayang isulong ang mga panukalang batas sa Kamara nang walang anumang isyu.

Ang tagumpay ni Warnock ay isinantabi ang kasalukuyang pagkakahati ng Kamara, at nagpapalawak pa ng kasalukuyang kapangyarihan sa Kamara dahil sa tie breaking power ni Vice President Kamala Harris.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Pangulong Joe Biden na ang ika-51 pwesto sa Senado ay napakahalaga para sa kanyang partido, at nagpasaring na “It’s always better with 51.”

Ang mga tagasuporta ni Warnock ay nagpahayag ng higit na kaginhawahan sa estado ng Georgia, na kalauna’y nagiging mas liberal at mas demokratikong estado.

Follow SMNI NEWS in Twitter