PLANONG taasan ng Senado ang confidential at intelligence funds ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Senate President Migz Zubiri, ito ay para mapalakas ang kakayahan ng dalawa hinggil sa external defense capabilities.
Halimbawa na rito sa West Philippine Sea (WPS).
Sa panukalang budget sa 2024, nasa P10-M ang confidential at intelligence funds ng PCG habang P39.74-M ang para sa Navy.