Senado, tuluy-tuloy ang pagpasa ng makabuluhang batas

Senado, tuluy-tuloy ang pagpasa ng makabuluhang batas

SUNUD-sunod ang pagpasa ng Senado ng mga mahahalagang batas isang linggo bago ang ‘sine die adjournment’ ng Kongreso.

Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na patuloy na magsusulong ang Senado ng mga panukalang batas na masusing pinag-aaralan at makabuluhan.

 “We thank our fellow senators for working tirelessly from crafting the bills and resolutions, to participating in committee hearings and debating in plenary to see through the passage of these important measures,” ayon kay Sen. Joel Villanueva, Majority Leader.

Ani Villanueva na nakahanda silang mag overtime upang talakayin at ipasa ang mga mas mahahalagang mga panukala na kapaki-pakinabang sa mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Villanueva na ang kanilang maipapasang mga batas ay may tamang safeguards o pananggalang laban sa posibleng pag-abuso o paglabag sa kasalukuyang sistema.

Ngayong araw ng Lunes, ipinasa ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang mga landmark measure tulad ng Senate Bill No. 2035 o trabaho para sa Bayan Act ni Villanueva kung saan magtatatag ng isang National Employment Master Plan.

Layunin ng panukala ni Villanueva na pag-isahin ang lahat ng polisiya, programa, at inisyatibo ng gobyerno sa pagtugon sa labor-related challenge sa ilalim ng isang magkakaugnay na direksiyon at estratehiya.

“Such a great honor ang privilege… Who propose amendment,” ani Sen. Joel Villanueva.

Ipinasa rin ng Senado ang Senate Bill No. 2212 (Regional Specialty Centers Act) para maging accessible ang health services sa tao lalo na sa mga probinsiya.

Layunin ng panukala na magbuo ng 53 specialty centers sa buong bansa pagsapit ng 2028.

Samantala, lusot din sa pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 2219 na nagpapalawig sa ‘period of availment’ ng Estate Tax Amnesty program hanggang Hunyo 24, 2025 at magpapalawig ng coverage ng decedents estate ng mga namatay bago ang Mayo 31, 2022.

Sa nakaraang linggo, ipinasa ng Senado sa ikatlong pagbasa ang Senate Bill No. 2021 (Shared Services Facilities Act) na magbibigay benepisyo para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Pasado na rin ang Senate Bill No. 1480 (Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans) na magbibigay ng dagdag na pensiyon para sa mga beterano at kanilang pamilya na magiging P4,500-P10,000 na mula sa dating P1,000-P1700.

Para naman sa mga guro, pasado na rin sa Senate Bill No. 1964 o Kabalikat sa Pagtuturo Act na magbibigay ng dagdag na taunang supplies allowance na P7,500 bawat guro para sa School Year 2023-2024; at P10,000 kada guro para sa SY 2024-2025.

Ilang senador, may pag-aalinlangan pa rin sa Maharlika Bill

Sa kabila ng sunud-sunod na pag-apruba ng mga panukalang batas ay tila may pag-alinlangan naman ang ilang senador sa Maharlika Investment Fund Act.

Sina Senador Imee Marcos at Chiz Escudero ay may babala kung mamadaliin ang pagpasa nito.

Ayon sa dalawa, hindi pa rin malinaw hanggang ngayon ang layunin at maging ang pagkukuhanan ng pondo para dito.

“Well nakakalito kasi sinasabi rin na papaspasan ang merger ng Landbank and DBP… Transparent and accountable,” ayon kay Sen. Imee Marcos.

Ipinunto ni Marcos na ang investment fund ay dapat mabuo lamang kung sobra-sobra na ang revenue o kita ng gobyerno.

Para naman kay Escudero, hindi pa niya nakikita ang ‘test of economic viability ng Maharlika Fund’ na aniya ay required batay sa 1987 Constitution.

“Pero nadadagdagan pa nung nakita ko ang bussiness proposal… Test of economic viability,” ayon kay Sen. Francis Escudero.

Inaasahan na hahatulan na ng Senado ngayong linggo kung papasa o bagsak nga ba ang Maharlika Bill.

Follow SMNI NEWS in Twitter