Senate hearing vs. Alice Guo at POGO operations, hindi magiging patas—kampo ng mayora

Senate hearing vs. Alice Guo at POGO operations, hindi magiging patas—kampo ng mayora

HINDI inaasahan ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magkakaroon ng patas na hearing hinggil sa isinasagawang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) investigation ng Senado na iniuugnay sa mayora.

Sinabi ito ng kaniyang abogado na si Atty. Stephen David kasabay ang pahayag na ayaw ng mga doktor ng mayora na mag-release ng medical certificate dahil posibleng ipatatawag din ito sa hearing.

Naunang sinabi ni David na nakararanas ng trauma sa kasalukuyan si Mayor Alice kaya hindi pa rin ito makakadalo sa Senate hearing ngayong Hulyo 10.

Samantala, sinabi ni Atty. David na kailangan pang suriin ng korte ang mga iprinisentang dokumento laban kay Mayor Guo kung totoo ba ito o peke lang.

Ayon sa abogado, kuwestiyunable para sa kaniya ang sinasabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na tugma ang fingerprints nina Mayor Guo at ng isang Chinese national na si Guo Hua Ping.

Binigyang-diin nito na matapos ang lima hanggang 10 taon, sinusunog ang mga dokumento gaya nito kung kaya’t naniniwala siyang walang archive ang gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble