Senator Bong Go kay Mayor Isko: Walang masama sa ipinamana na pwesto

Senator Bong Go kay Mayor Isko: Walang masama sa ipinamana na pwesto

NANINDIGAN si Senator Christopher Bong Go na suportado nito ang Pamilya Duterte sa politika matapos ang pahayag ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa isa nitong panayam na hindi dapat ipinamamana ang pwesto sa gobyerno.

Ani Domagoso, ang posisyon ay hindi naman at hindi nilipat-lipat.

Sa panayam ngayong araw kay Senator Go na kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, wala naman aniyang masama dito, dahil sa huli, taumbayan pa rin naman ang huhusga sa karapat dapat na magiging pinuno ng bansa.

Hindi na rin naman aniya ito bago sa kasaysayan ng pulitika sa bansa, kagaya ng mga rehimeng Aquino, Macapagal at iba pa.

Ani Go, suportado niya ang Pamilya Duterte.

Nauna na ring inamin nito sa publiko ang pagtanaw niya sa pamilya mula sa mahigit 2 dekadang serbisyo nito kay Pangulong Duterte sa karera nito sa pulitika.

Patuloy din ang paninindigan ng senador na hindi ito interesado sa pagtakbo sa pagkapangulo ngayong darating ng eleksyon.

Sa kabila naman ito ng opisyal na anunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na isa ang pangalan ni Go na ikinukonsidera na maging katandem ni Pangulong Duterte para sa 2022 presidential elections.

(BASAHIN: Senator Bong Go, nais maging pangulo ng bansa —Duterte)

Bukod pa ito sa mga matutunog na pangalan nina Davao City Mayor Inday Sara Duterte, Bongbong Marcos, VP Leni Robredo, Antonio Trillanes IV, at Senator Manny Pacquiao.

SMNI NEWS