Senator  Bong Revilla, inabswelto sa kasong katiwalian kaugnay ng pork barrel scam ng sandiganbayan

Senator  Bong Revilla, inabswelto sa kasong katiwalian kaugnay ng pork barrel scam ng sandiganbayan

INABSWELTO ng Sandiganbayan si Senator Bong Revilla Jr. sa kasong katiwalian kaugnay ng pork barrel scam.

Sa 196-page na desisyon, pinawalang-sala ng Anti-Graft Court’s First Division ang 16 counts ng graft laban kay Senator Revilla.

Pinaboran ng Sandiganbayan ang “demurrer to evidence” ni Revilla dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ibinsura rin ng Anti-Graft Court ang mga kaso laban sa dating aide ni Revilla na si Richard Cambe sa dahilang pumanaw na ito.

Samantala, tuloy naman ang kaso ni Janet Lim-Napoles, ang sinasabing mastermind ng pork barrel scam matapos ibasura ang kanyang “demurrer to evidence”.

Una nang inabsuwelto ng Sandiganbayan si Revilla sa kasong plunder kaugnay pa rin ng pork barrel scam noong Disyembre 2018

 

SMNI NEWS