NAMUMULITIKA lang si Senate Minority Leader Franklin Drilon, ayon kay Usec. Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kasunod ito nang punahin ni Drilon ang plano ng DBM na doblehin ang budget ng NTF-ELCAC para sa taong 2022.
Aniya, kung talagang gagamitin nila ang pondo para sa eleksyon ay mas pipiliin nilang manligaw ng botante dito sa NCR.
Idiniin din ni Usec. Badoy na ang Barangay Development Project (BDP) na flagship program ng NTF-ELCAC ay ang proyektong matagal ng hinihintay ng mga barangay.
Kaya dapat aniya na mahiya ang Senador sa mga pahayag niya na malinaw na anti poor o kontra para sa kapakanan ng mahihirap na matagal na napabayaan ng pamahalaan
Sa ilalim ng BDP ay makatatanggap ng tig P20 milyong pondo ang 822 barangay na nakalalaya na sa insurhensya para sa pagpapatayo ng paaralan, kalsada, patubig at iba pang proyekto para sa kanila.
Una na ring sinabi ng NTF-ELCAC na diretsong napupunta sa LGUs ang pondo para sa naturang proyekto.
Launching ng Lacson-Sotto tandem ipagpapaliban muna ayon kay SP Sotto
Inanunsyo ni Senate President Tito Sotto III na ipagpapaliban muna nila ni Senator Panfilo Lacson ang launching ng Lacson-Sotto tandem para sa 2022 national elections.
Matatandaan na una nang sinabi ni SP Sotto na sa Agosto 4 nila iaanunsyo ang kanilang pagtakbo ni Senator Lacson.
Si Lacson ay tatakbo sa pagkapangulo at si SP Sotto naman ay tatakbo bilang kaniyang bise.
Sa isang pahayag ay sinabi ni SP Sotto na mas mainam na matutukan ngayon ang mga bagay na makakatulong sa COVID-19 response para mapigilan ang posibleng surge ng impeksyon bunsod ng Delta variant.
Ayon kay SP Sotto na maaari nilang gawin ang pormal na announcement ng kanilang pagtakbo pagkatapos ang implementasyon ng ECQ.