Senator-elect Raffy Tulfo, nanumpa na bilang senador

Senator-elect Raffy Tulfo, nanumpa na bilang senador

PORMAL nang nanumpa bilang senador si Senator-elect Raffy Tulfo ngayong Miyerkules.

Isinagawa ang kanyang oath-taking sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen sa Korte Suprema sa Maynila.

Kasama naman ng bagong senador ang kanyang asawa na si ACT-CIS Party-List Representative Jocelyn Tulfo.

Matatandaang nasa ikatlong pwesto si Tulfo sa 2022 senatorial race matapos makakuha ng mahigit 23 milyong boto.

Follow SMNI NEWS in Twitter