Senator Go, tutol sa panawagang defunding sa NTF-ELCAC

Senator Go, tutol sa panawagang defunding sa NTF-ELCAC

HINDI pabor si Senator Christopher Bong Go sa panawagan ng ilang senador para sa defunding ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Go, maaantala ang anti-insurgency campaign ng pamahalaan kapag inalisan ng pondo ang NTF-ELCAC.

Giit rin ng senador malaki ang nagawa ng mga programa ng NTF-ELCAC sa anti-insurgency campaign ng gobyerno.

Maganda rin aniya ang takbo ng kampanya laban sa insurgency at nakahanda na ang budget para dito.

Dagdag ni Go hindi nakalaan ang pondo ng NTF-ELCAC para makipagpatayan kundi para hikayatin ang mga barangay na may maitutulong ito sa kanilang komunidad.

Matatandaan na nasa P16-billion ang budget para sa Support to Barangay Development Program ng  NTF-ELCAC para sa 822 barangays sa iba’t ibang bahagi ng bansa  na cleared o wala nang insurgency.

Muli namang tiniyak ni Go ang kanyang suporta  sa militar at pulisya sa anti-insurgency campaign.

(BASAHIN: Pagpapanatili sa pondo ng NTF-ELCAC ilalaban ni Senador dela Rosa)

SMNI NEWS