HINDI nasikmura ni UP Professor at kilalang political analyst Anna Malindog-Uy ang tila nahihirapang pagsagot ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao kaugnay sa usapin ng foreign policy kung siya ay papalarin na maging pangulo ng bansa.
“It’s so embarrassing for me to watch not only for me I think, but even for other people listening and watching someone running for president of this country na walang kaalam-alam sa mga pinagsasabi nya. Nakakahiya ‘yun, hindi ‘yun nakakahiya sa kanya eh, nakakahiya sa mga Pilipino. Having one presidentiable na walang alam sa mga bagay na ‘to kasi you expect someone running for that highest post of the land na may alam kahit papaano,” pahayag ni Atty. Anna Malindog-Uy, Political Analyst.
Ani Malindog-Uy, nakakahiya ang senador dahil lumabas na wala itong alam sa isyu.
“So parang feeling ko nahihiya ako bilang Pilipino that we cannot even have other candidates who deserves to run for president na ito ‘yung ating mga presidentiables,” ani Malindog-Uy.
Dahil dito, personal na iminungkahi ng eksperto sa mga susunod na eleksyon na taasan ang kwalipikasyon sa mga nag-aaplay sa anumang posisyon sa gobyerno.
Lumalabas aniya na higit na mas mahirap pang pumasok ang isang ordinaryong aplikante sa pag-aaplay sa trabaho sa isang kumpanya dahil sa mas maraming requirements na hinihingi dito kasama ang pagiging tapos dapat ng isang kurso habang ang pagpasok sa politika ay hindi naman gaanong mahirap ang inaasahang kwalipikasyon.
“We should change that. Dapat kapag magra-run for president dito sa bansang ito, may criteria ka na naka-set na college graduate ‘yan. I don’t discreminate those who did not attend college who are successful pero they are successful because they have brain cells that needed for their field. Kailangan natin ‘yun at least halimbawa may experience, ito ‘yung college graduate o naka-PHD yan or MA man lang ang level, may certain level of educational requirement ka and certain level of experience in governance and certain issues kasi presidente ang pinag-uusapan natin,” ayon kay Malindog-Uy.
Para sa propesora, mahalaga ang kaalaman ng isang kandidato sa mga malalalim na usapin sa politika, ekonomiya at mga polisiya sa loob at sa labas ng bansa.
Kung ganito aniya ang nagiging resulta ng eleksiyon sa bansa, maaari aniyang maging katawa-tawa ang mga Pilipino sa mata ng mga banyaga.
Dismayado rin si Malindog-Uy sa tinuran ni Pacquiao dahil sa tagal na aniya nito sa politika pero bigo nitong maipaliwanag ang usapin sa labas ng bansa.
Sa huli, muling nakiusap si Professor Ana sa mga botante na piliin ang tamang kandidato upang matiyak ang kapakanan ng mga kabataan at susunod na henerasyon.