Senator Manny Pacquiao tinawag na traydor ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Senator Manny Pacquiao tinawag na traydor ni Pastor Apollo C. Quiboloy

TRAYDOR kung ituring ngayon ni Pastor Apollo Quiboloy si Senator Manny Pacquiao kasunod ng bagong paratang ngayon ng senador sa administrasyon.

Kamakailan ay sinabi ni Pacquiao na mas lumala o trumiple pa ang korupsiyon sa termino ni Pangulong Duterte.

“All of a sudden nagsalita ka laban sa kaniya, binira mo siya patalikod, in my principle, that’s unforgiveable for me. Wala akong kumpyansa sa mga taong traydor, because anytime pwede kang magtraydor, traitor is a traitor is a traitor, magkaibigan kayo kapartido mo pa siya kada birthday mo pinupuntaha mo siya, noong nag military ka, siya pa naglagay ng kalo sa ulo mo. Tapos bigla sasaksakin mo siya sa likod, hindi niya inaasahan, you drew the first blood, it was very shocking to us,” pahayag ng butihing Pastor.

Ayon kay Pastor Apollo, ang mga panirang pahayag ng senador ay hindi dapat o magandang marinig mula sa taong kilalang kakampi at kapartido ng Pangulo.

Sa Partidong PDP Laban ay chairman si Pangulong Duterte habang si Pacquiao naman ang Party Acting President.

“Kung si Drilon ang magsasalita nun, si Pangilinan o si Trillanes, hindi na kami magtataka, hindi na magtataka ang taumbayan, oposisyon yon eh, ganun talaga kasi ang gusto nila, pero ikaw, kaibigan mo ang pangulo, mas malapit ka sa kanya, tapos pinupuntahan ka pa niya tapos sasaksakin mo siya, masama sa panlasa ng mga Pilipino yon,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Dahil dito ayon kay Pastor Apollo, lumabas na lang sana muna ang senador mula sa PDP Laban kung may plano pala itong siraan ang Pangulong Duterte dahil sa kanyang ambisyon.

“Gusto mo pala ng ganun, dahil may ambisyon ka na baka hindi ikaw ang itaas ng pangulo, narinig mo yong Duterte-Duterte o Go-Duterte, masama ang loob mo, binira bira mo, lumabas ka na muna sana, para mayroon kang dangal o honor,” wika ni Pastor Apollo.

Dahil dito sinabi naman ni Pastor Apollo na kalimutan na ng senador na tumakbo sa pagkapangulo dahil hindi aniya ito kailanman magiging pangulo ng bansa dahil sa ugali nito.

“Ang record mo, traydor ka, yon ang masasabi ko. Forget about becoming a president, you will never be a president with that kind of attitude,”dagdag ni Pastor Apollo.

BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy kay Senador Manny Pacquiao: Manatili ka muna sa level mo

SMNI NEWS