Senator Pangilinan, ipinapanukalang gawing health facility ang mga military hospitals

IMINUMUNGKAHI ni Sen. Francis Pangilinan na gawing health facility para sa mga Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) patients ang mga military hospitals.

Ani Pangilinan, napupuno na ang ating mga ospital dahil sa patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ilan naman sa ipinapanukalang ospital na gawing health facility ay ang V. Luna Medical Center, Veteran’s Memorial Medical Center at maging ang Quezon Institute.

Iminungkahi din ni Pangilinan na gawing makeshift isolation centers ang malalaking espasyo ng Rizal Memorial, Ultra At PICC para sa mga may banayad na sintomas ng COVID-19.

Samantala, muli namang nagpaalala ang Senador na mag-self quarantine ang mga nag-negatibo sa sakit ngunit na-expose sa mga may COVID-19.

Hinikayat rin ni Pangilinan ang lahat na manatili sa loob ng pamamahay at tiyakin na nasusunod ang social distancing sa mga komunidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.