Senator Sonny Angara, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSIBO na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Senador Sonny Angara.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Senador Angara na natanggap niya ngayong araw ang resulta ng kaniyang test at positibo nga  ito sa naturang sakit.

“I regret to announce that today, March 26, I received  my test result and it is positive for COVID-19. I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headaches and general weakness.”

Ani Angara na wala naman itong nakasalamuha na kahit sino simula nang magpa-test siya noong Marso 16.

Humingi naman ang senador ng dalangin sa publiko para malampasan ang sitwasyong na kinakakaharap ng bansa at patuloy na suportahan ang frontliners na patuloy na nagbibigay-serbisyo sa publiko sa gitna ng patuloy na paglaganap ng coronavirus sa bansa..

“I ask for your prayers that together we are able to pull through this tremendous challenge.”

“Let us continue to support all efforts to fight the further spread of the virus. Let us support our frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort.”

Aniya, kayang malampasan ng bansa ang pagsubok na ito kung magkakaisa ang bawat isa.

“With hope, sacrifice, and unity of effort, we shall overcome.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.