INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na walang limit ang bilang ng mga senatorial aspirant o senatorial candidate na mailalagay sa balota para sa 2025 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Chair Atty. George Erwin Garcia, kung ang mahigit 180 na nakapaghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagkasenador ay qualified na tumakbo, lahat ng kanilang pangalan ay mailalagay sa balota ng mga boboto.
Sa ngayon, ay sisimulan na ng mga local COMELEC offices ang pagpapadala ng mga natanggap nilang COCs at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa headquarters ng komisyon sa Maynila.
Ang mga COCs ay i-post sa COMELEC website pagkatapos ng dalawang linggo para magkaroon ng pagkakataon ang mga registered voters na makilatis ang mga aspirant at makapaghain ng apela sa komisyon kung sa akala nila ang isang partikular na aspirant ay hindi dapat makatakbo.
Target naman ng COMELEC na bago sumapit ang Disyembre ay naresolba na ang nuisance case at ang listahan ng mga kwalipikadong tumakbo sa eleksiyon ay mailalabas sa ikalawang linggo ng Disyembre.