Senatorial bet Pastor ACQ, numero uno sa survey; Mga beteranong senador, naungusan 

Senatorial bet Pastor ACQ, numero uno sa survey; Mga beteranong senador, naungusan 

MALAYO pa ang halalan ay matunog na ang pangalan ni Pastor Apollo Quiboloy bilang isa sa mga tumatakbo para sa pagka-senador sa 2025 elections.

Ang Commission on Elections (COMELEC), ibinasura na ang petisyon na nagpapadiskwalipika sa kaniya.

Wala naman anila kasing basehan para hindi makatakbo sa halalan ang Butihing Pastor.

Sa mga survey, patuloy ang pag-angat ni Pastor Apollo.

Sa 3rd run ng pa-survey ng social media page na Archlight na may halos dalawang milyong followers, nanguna na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Naungusan na ng Butihing Pastor ang mga reelectionist gaya nila Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Bong Go.

Wala naman sa Top 12 sina Tito Sotto, Ping Lacson, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Pia Cayetano, Bam Aquino, Francis Tolentino, Bong Revilla, Kiko Pangilinan, at Gringo Honasan.

Ligwak din sa survey ang convicted child abuser na si France Castro.

Ginawa ang survey mula Disyembre 17-20, 2024.

Ang tanong sa mga partisipante—sino sa 66 na senatorial bets ang makapagsusulong ng zero corruption sa Pilipinas.

Sa naturang survey—si Pastor Apollo ang lumabas na numero unong may plataporma para sa tuluyang iwaksi ang talamak na korapsiyon sa bansa.

Pastor Apollo Quiboloy, matagal nang tumutulong sa mga Pilipino; Humanitarian projects ni Pastor ACQ, hindi na mabilang

Si Pastor Apollo, kahit noong hindi pa siya tumatakbo sa anumang posisyon, kaliwa’t kanan na ang ginagawang humanitarian works hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy walang-bahid ng korapsiyon.

Kitang-kita ‘yan sa mga naipundar, naipatayo at mga programa ng kaniyang kongregasyon na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa loob ng napakaraming taon para sa mga miyembro, tagasunod at mga benepisyaryo nito.

Ang Children’s Joy Foundation Inc. na itinatag ni Pastor Apollo noon pang 1998 ay nagawang makapagpaaral, mapakapagpakain at makapagbigay ng tirahan sa milyun-milyong ulila at mahihirap na kabataan dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

Pagdating naman sa Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) na itinatag ni Pastor Apollo noong 2002 ay 70% sa mga estudyante rito ay iskolar ni Pastor Apollo.

Habang ang Sonshine Philippines Movement (SPM) na itinatag naman ng Butihing Pastor noong taong 2025 ay hindi rin natitinag pagdating naman sa pangangalaga ng kalikasan at pagsasaayos ng kapaligiran.

Lalo pa itong naging aktibo ng sunod-sunod na tumama ang mga kalamidad nitong taon.

Kaliwa’t kanan ang ginagawang pagtatanim at reforestation ng SPM sa ilalim ng One Tree, One Nation Tree Planting Activity sa iba’t ibang panig ng bansa maging ang cleanliness drive ng SPM sa mga lugar na ga-bundok ang basura.

Pagdating naman sa pagtulong sa mga nasalanta ng iba’t ibang sakuna at kalamidad, number one responder ang Butihing Pastor pagdating sa pamamahagi ng relief goods at financial assistance.

Tuwing sasapit naman ang birthday ng Butihing Pastor tuwing Abril 25—ay milyun-milyong mga bata ang pinapakain nito sa buong Pilipinas at sa iba’t ibang bansa.

Dambuhalang cake ang inihahanda ng Butihing Pastor para sa mga bata taon-taon, mayroon ding unlimited rides, candies, cotton candies, ice cream, at iba pang mga pagkain.

Mayroon ding parada ng mga character sa Disneyland na talaga namang kinagigiliwan ng mga bata.

Ang Sonshine Media Network International (SMNI) na itinatag din ni Pastor Apollo ay naging numero uno at kung hindi ma’y bukod-tanging tagapaghatid ng totoo at patas na balita.

Ito ang numerong uno at tanging istasyon na nagsisiwalat ng mga hindi makataong gawa ng CPP-NPA-NDF na nagbibigay ng kamulatan sa mga tao para hindi sila malinlang sa mga ginagawa nitong recruitment sa mga iba’t ibang eskwelahan at institusyon.

‘Yan ay ilan lamang sa hindi mabilang na resibo o patunay ng mga nagawang kabutihan at kawanggawa ni Pastor Quiboloy sa loob at labas ng bansa.

Tunay nga na kahit noon pa—hindi na maikakaila ang malaking malasakit ni Pastor Quiboloy sa mga nangangailangan at ang mga malaking programa na napagtagumpayan nito para sa kaniyang mga kababayan.

Tumanggap na rin ang Butihing Pastor ng iba’t ibang pagkilala dahil sa kaniyang mga natatangi at kahanga-hangang humanitarian works.

Asahan nga na sa oras na maupo si Pastor Apollo sa Senado ay magtutuloy-tuloy ang nasimulan niya—na siguradong mas lalawak pa ang sasakupin at aabutin ng mga programa’t proyekto na makatutulong sa pagpapahusay ng buhay ng bawat Pilipino—na daan sa mas maunlad na bansa dahil ito ang — Pilipinas nating Mahal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble