Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Halos dalawang buwan na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya.

Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino. Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa kanilang kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa Batangas kung saan nakaharap ni Ariel Querubin ang grupo ng mga mangingisda sa lugar.

Magkasama naming dumalo sa seminar ng Vice Mayors League of the Philippines – Quezon Province sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Nasa Quezon Province rin nag-ikot si dating Sen. Ping Lacson.

Si Atty. Raul Lambino, muling nag-live sa kanyang social media kung saan panawagan nito ang pagbabalik sa Pilipinas ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa video clip naman na ibinahagi ni Bonifacio Bosita mula sa isang panayam sa kanya, inihayag nito ang kanyang pagtutol na papanagutin sa ibang bansa o sa ICC si FPRRD sa isyu nga ng war on drugs campaign nito.

Habang nanawagan ng pagkakaisa bilang Pilipino si dating Sen. Gringo Honasan sa naturang usapin ng pag-aresto sa dating pangulo.

Nasa Brgy. Concepcion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay naman si Roberto Ballon para sa Kick-Off Caravan ng Lakad-Hubileo ng Pag-asa: Laban sa Gutom, Kahirapan, at Kawalang-Katarungan.

Nakasama naman si Atty. Jimmy Bondoc ang Filipino professional pool player na si Efren “Bata” Reyes

Habang nasa Ormoc City si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. kung saan nakasama nito ang mag-asawang Lucy at Richard Gomez.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter