Senatorial Campaign Tracker!
Halos dalawang buwan na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya. Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino.
Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa kanilang kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Alcala, Pangasinan kung saan dumalo si Sen. Bong Go sa ribbon-cutting ceremony ng bagong Super Health Center sa naturang bayan. Matapos nito, nag-ikot siya sa probinsya kasama si Philip Salvador.
Nag-ikot naman sa Urdaneta, Pangasinan si Sen. Bong Revilla, JR.
Habang nasa probinsya pa rin ng Nueva Viscaya si Roberto “Ka Dodoy” Ballon.
Sa probinsya naman ng Aklan nangampanya si Kiko Pangilinan.
Habang sa Cabadbaran City, Agusan del Norte Bumisita si Bam Aquino.
Nasa Iloilo City naman si Sen. Francis Tolentino.
Si Sen. Pia Cayetano sa Cavite City nag-ikot.
Nakadalupang-palad naman ni Ariel Querubin ang mga taga-Pasay City.
Sumalang naman sa isang Radio interview si Angelo de Alban.
Gayunin si Vicente “Tito Sen” Sotto III.
Sa kanyang social media, nanawagan naman si Raul Lambino ng global unity para maibalik sa bansa si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Habang pinasalamatan ni Rodante Marcoleta sa kanyang social ang lahat ng naghayag ng suporta sa PDP laban slate at kasama na ang panawagan na mabilis na pagpapa-uwi sa bansa ni dating pangulong Duterte.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.