Senior Citizen PL, maagang nagsagawa ng proclamation rally sa QC

Senior Citizen PL, maagang nagsagawa ng proclamation rally sa QC

MAINIT na tinanggap ng mga taga Quezon City ang Senior Citizen Partylist sa kanilang paglulunsad ng proclamation rally ngayong araw ng Miyerkules.

Pinangunahan ni First Nominee Congressman Rodolfo Ordanes ang naturang aktibidad, kung saan dala-dala nito ang platapormang magbibigay kaginhawaan sa mga Pilipino lalong lalo na sa mga matatanda.

Pasado alas siete ng magsagawa ng motorcade ang grupo sa ilang bahagi ng Quezon City.

Isa sa mga pinuntahan ng grupo ay ang kahabaan ng Commonwealth, Fairview, Quirino, Balintawak, Bonifacio, Del Monte at Roosevelt Avenue at iba pa.

Tiniyak ng Senior Citizen Partylist na marami pang matatanda ang maabutan ng tulong sa pamamagitan ng kanilang mga programa para sa bawat senior citizen ng  mamayan.

Sinabi ng grupo, kumikilos at umaaksyon sila para sa pakikipaglaban para sa mga karapatan sa kongreso, totoong may malasakit para sa mga nakakatanda.

Kahapon, nagsimula ang kampanya ng Senior Citizen Partylist sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para nalalapit na halalan 2022.

Follow SMNI News on Twitter