Senior citizens at PWDs, prayoridad ng mga mall sa araw ng halalan

Senior citizens at PWDs, prayoridad ng mga mall sa araw ng halalan

NASA 77 malls ang magiging katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) para sa maagang pagboto ng senior citizens at persons with disability (PWDs) sa mismong araw ng halalan sa Mayo.

Ito ang kinumpirma ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa opisyal na paglulunsad ng 100 araw na paghahanda para #hatolngbayan sa Mayo na ginawa sa Kampo Krame.

Ani Laudiangco, prayoridad sa mga mall ang mga matatanda at PWD dahil batid nito ang pangangailangan ng kalinga sa kalusugan ng mga ito dahil sa katandaan.

Ayon sa early voting hours ng COMELEC, papayagang bumoto ang mga matatanda at PWDs mula alas singko ng umaga hanggang alas siyete ng umaga habang magsisimula naman sa alas siyete ng umaga hanggang alas siyete ng gabi para sa mga regular voters.

Bukod sa mga matatanda at PWDs, maaari ding bumuto ang mga residente o barangay na malapit sa mall sa ilalim ng regular voting hours.

Tiniyak ng COMELEC na walang makalulusot na dayaan o pangangampanya ng mga politiko sa loob ng mall dahil protektado anila ito ng CCTV, pulis, at gwardiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter