MAGKAKAROON na ng oportunidad na makapagtrabaho ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ng Pasay City.
Ito’y dahil bukas ang McDonald’s Philippines na kunin ang mga nabanggit bilang empleyado ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Ang magiging signing ng memorandum of agreement para dito ay gaganapin sa Agosto 30.
Magsisilbi na ring birthday treat ito ni Rubiano sa mga residente ng Pasay bilang bahagi ng kaniyang isang buwan na birthday celebration.