NASAWI sa isang air strike ng Israel nitong Martes, Setyembre 24 ang isang senior Hezbollah commander.
Sa inilabas na impormasyon ng Israeli military, si Ibrahim Qubaisi ng missile at rocket force ng Hezbollah ang namatay.
Sa isang video ay sinabi na ni Israeli Defense Minister Yoav Gallant na ipagpapatuloy nila ang pang-aatake sa Lebanon hanggang makuha nila ang kanilang target na maibalik ang mga residente ng North Israel sa kanilang mga tirahan.
Nauna na ring sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti sila sa Lebanon matapos nawalan ng tahanan ang libu-libong mga Israeli dahil sa pambobomba ng Hezbollah sa hilagang bahagi ng kanilang bansa.