Senior High School program sa state colleges at universities, ihihinto na

Senior High School program sa state colleges at universities, ihihinto na

IHINTO na ang pag-aalok ng Senior High School (SHS) program para sa School Year 2024-2025.

Ito ang ipinag-utos ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman J. Prospero de Vera, III, sa lahat ng state colleges at universities sa bansa batay sa memorandum na inilabas nito noong Disyembre 18, 2023.

Aniya, wala nang legal basis para pondohan ang programa.

Ipinaliwanag ni De Vera na ang pagtanggap ng state colleges at universities ng senior high school students ay sa loob lang ng tinatawag na transition period ng K-12 educational system.

Ibig sabihin, mula lang ito sa School Year 2016-2017 hanggang School Year 2020- 2021.

Ayon kay De Vera, nakabase rin ang desisyon na ito sa CHED Memorandum Orders series of 2015 at 2016 na inilabas ni dating Chairperson Patricia Licuanan.

Tanging nananatiling tatanggapin nila ay mga mag-aaral na lang ng Grade 12 ngayong School Year 2023-2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble