Senior high school students na hindi na tatanggapin sa SUCs at LUCs, maaari sa public basic education schools

Senior high school students na hindi na tatanggapin sa SUCs at LUCs, maaari sa public basic education schools

TATANGGAPIN sa mga pampublikong basic education schools ang senior high school (SHS) students na kasalukuyang naka-enroll sa mga Higher Education Institution (HEIs).

Ayon kay Department of Education (DepEd) Usec. Michael Poa, batay sa mga ulat ng regional directors, kayang-kaya ng public schools ang makapag-accommodate ng SHS students na hindi na tatanggapin ngayong School Year 2024-2025 sa state universities and colleges (SUCs) o local universities and colleges (LUCs).

Maaari din ang mga ito na mag-enroll sa private schools.

Noong Disyembre 18, 2023, naglabas ng memorandum order ang Commission on Higher Education (CHED) na nag-uutos na ihinto na ang pag-aalok ng SHS program para sa School Year 2024-2025.

Ayon kay CHED Chairman J. Prospero de Vera III, wala nang legal basis para pondohan ang programa.

Ang pagtanggap aniya ng state colleges at universities ng SHS students ay sa loob ng tinatawag na transition period ng K-12 educational system.

Ibig sabihin, mula ito sa School Year 2016-2017 hanggang School Year 2020-2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble