Senior Pentagon official, nakatakdang bumisita sa Seoul

Senior Pentagon official, nakatakdang bumisita sa Seoul

NAKATAKDANG bumisita sa Seoul ang Senior Pentagon official Undersecretary of Defense for Policy na si Colin Kahl upang mas palakasin ang ugnayan sa depensa ng Estados Unidos at South Korea.

Ito’y upang pag-usapan ang kasalukuyang bilateral na ugnayan ng Seoul at Washington gaya ng pinalawig na deterrence at patuloy na nuclear consultative group.

Ayon sa Ministry of National Defense, plano ni Defense Minister Lee Jong-sup na makipagpulong kay Kahl, kung saan nakatakdang ipagpatuloy ng mga ito ang mga napag-usapan sa pagpupulong ni President Yoon at Pesident Biden noong nakaraang buwan.

Kaugnay nito ay naglabas na rin ng detalye ang U.S. Department of Defense ukol sa pagbisita sa South Korea maging ang pagbisita nito sa U.S. Indo Pacific command maging sa Japan.

“In the Republic of Korea (ROK), he will meet with senior officials and counterparts from the ROK government, visit the joint security area (JSA) within the de-militarized zone (DMZ) and attend a U.S.- ROK combined exercise,” ayon sa U.S. Department of Defense.

Ayon sa Pentagon, ang pagbisita ni Khal sa South Korea ay sumasalamin sa pagpapalawig ng kooperasyon ng dalawang bansa at sa ironclad commitment sa depensa nito.

Ang pagbisita na ito ay kasunod ng tensiyon sa Korean Peninsula dahil sa paglulunsad ng North Korea sa unang spy satellite nito na bigong nakalabas sa orbit ng mundo.

Follow SMNI NEWS in Tiktok