Sentensya ni convicted drug mule Mary Jane Veloso, ipagpapatuloy sa Pilipinas—DOJ

Sentensya ni convicted drug mule Mary Jane Veloso, ipagpapatuloy sa Pilipinas—DOJ

NASA kustodiya na ng Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong ang convicted drug mule na si Mary Jane Veloso.

Nakauwi si Veloso sa Pilipinas nitong Miyerkules, matapos ang 14 taong pagkakabilanggo sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Bagama’t ikinatuwa ng marami ang pag-uwi ni Veloso, ipinaalala ng Department of Justice (DOJ) na siya ay convicted at ipagpapatuloy ang kaniyang sentensiya batay sa desisyon ng korte sa Indonesia.

“Pagkalipat ng pagkalipat niya dito siya ay subjected na, itatrato siyang ordinary person deprived with liberty dito sa Pilipinas ayon sa ating batas, ayon sa ating regulasyon, at ating patakaran,” pahayag ni Usec. Raul Vasquez, Department of Justice.

“It is a transfer of a person deprived with liberty. We should not forget that. It is a transferred of a sentence person from Indonesia to us. It is not an ordinary homecoming of an OFW. She was an OFW unfortunately she was convicted by the proper courts in Indonesia,” ani Vasquez.

Pagbibigay-diin pa ng DOJ, hindi dapat ituring o sabihing inosente si Veloso.

“I think we should avoid using the word innocent naman ano kasi she was found guilty eh. Those are the things that we should accept at ease,” dagdag ni Vasquez.

Sinabi rin ng DOJ na pag-aaralan pa ng gobyerno kung karapat-dapat nga bang bigyan ng clemency si Veloso.

Nilinaw ng ahensiya na hindi porke’t nasa limelight o pinag-uusapan ngayon si Veloso ay puwede nang iisantabi o kalimutan ang kalagayan at kapalaran ng iba pa nating mga kababayan na dumaranas ng parehong sitwasyon.

“We should not lose sight of the fact na marami ding persons deprived with liberty who are equally entitled: the aged, the elderly, the sick. And those factors will be considered lahat naman ay aralin nang mainam at masusing titingnan ng ating pamahalaan ‘yung bagay na iyan,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble